Dalaga tinarakan sa dibdib ng katrabaho

MANILA, Philippines - Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang store helper na si Gemalyn Dela Cruz, 24, dalaga, ng Block 2, E. Rodriguez Sr., Avenue, Brgy. Damayang Lagi, Quezon City matapos itong saksakin ng kasamahan sa trabaho na si Jezril Ronquillo, 28, binata, delivery boy, at residente sa Quezon Institute Compound Center, E. Rodriguez S., Avenue, Brgy. Doña Imelda.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-7:30 ng gabi ay naglalakad ang biktima sa nasabing lugar na sinusundan naman ng suspek.

Nang makorner ang biktima ay nilapitan ng suspek at sinaksak sa dibdib.

Nang duguang bumulagta ang biktima sa kalye ay mabilis na tumakas ang suspek.

 

Show comments