^

Police Metro

Shooter dinakip sa mga piyesa ng baril

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bagama’t may lisensiya ang dalang baril ay inaresto pa rin ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Ni­noy Aquino International Airport (NAIA) ang isang shooter dahil sa pagdadala ng mga piyesa ng mga baril na walang kaukulang permit o dokumento kaha­pon ng umaga.

Kinilala ni Customs Commissioner Ruffy Bia­zon ang suspek na si Clint Obusan Pardo, may sapat na gulang at umano’y sasali sa shooting competition na gaganapin sa Ilocos.

Base sa report na na­tang­gap ni Biazon, si  Par­do ay nanggaling sa Los Ange­les, California, sakay ng PR 103 at dumating ka­hapon ng alas-5:30 ng uma­ga sa Terminal 2, NAIA.

Habang nagsasagawa ng inspection ang pinag­sa­nib na pwersa ng  BoC, NAIA  at National Bureau of Investigation, Interpol ay dinakip ang suspek nang makita ang mga piyesa ng mga baril tulad ng isang pirasong upper receiver ng M-16, 23 pirasong barrel ng for 1911 caliber 40 at 6 na pirasong slide na walang permit kaya’t idineklarang illegal.

 

AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

BAGAMA

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

CLINT OBUSAN PARDO

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIA

HABANG

LOS ANGE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with