Parak kinana ng riding-in-tandem

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si SPO2 Julius Espiritu, nakatalaga sa Sto. Tomas Police Station, matapos itong pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kamakalawa ng hapon sa Brgy. Cupang Espiritu, Sto. Tomas, La Union.

Batay sa ulat, bandang alas-4:30 ng hapon ay ka­salukuyang lulan ng mo­torsiklo ang biktima na bumabagtas sa kahabaan ng highway ng Brgy. Cupang Espiritu, Sto. Tomas nang sundan ng mga suspek.

Ilang metro ang layo sa biktima ay agad pinagbabaril ng mga suspek ang  biktima na tumilapon sa kaniyang sinasakyang motorsiklo.

Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa maselang trabaho ng biktima bilang isang imbestigador ang krimen.

Show comments