MANILA, Philippines - Nilamon ng apoy ang isang 20-anyos na lala¬king isip-bata matapos itong makulong ng apoy sa loob ng nasusunog nilang bahay sa Mabini Street, Toril District, Davao City, kamakalawa ng gabi.
Ang nasawi ay kinilalang si Cyrian John Pascua, na halos nagmistulang uling nang ma¬rekober.
Ang bangkay ng biktima ay narekober ng mga nagrespondeng arson investigator sa loob ng banyo.
Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi nang magsimula ang sunog na ang dahilan ay short circuit sanhi ng nag-overheat na electric fan.
Nabigong mailigtas ng ina nitong si Lydia Pascua ang biktima sa matinding pagkataranta na nagtatakbo palabas ng kanilang banyo dahilan masyado ng malaki ang apoy.