RH bill, hinog na – Marcos

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Sen. Bongbong Marcos Jr., na hinog na hinog na ang Reproductive Health (RH) bill upang pagbotohan sa Senado.

“The RH bill is ripe for vote. We have debated long enough. We’re ready to vote,” wika pa ni Sen. Marcos sa dzBB interview kahapon.

Subalit duda pa din si Marcos kung makakakuha ito ng paborableng boto mula sa mga miyembro ng Mataas na Kapulungan.

Duda din siya kung makakapasa ang RH bill sa Kamara lalo’t malapit na ang May 2013 elections at local elections. Aniya, suportado niya ang RH bill na ngayon ay nasa period na ng amendments sa Senado.

 

Show comments