MANILA, Philippin es- Nakatakdang magsagawa ng blood letting project ang pamunuan ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) sa Huwebes (Nov. 29) na gaganapin sa San Lazaro Leizure Park sa Carmona Cavite.
Ang proyekto at kauna-unahang isasagawa ng PHILRACOM na suportado ng ibat-ibang grupo sa larangan ng ‘bayang karerista’.
Ayon kina PHILRACOM Chairman Angel Castaño Jr. at Commissioner Jess Cantos ang tema ng programa ay “Philippine Horse Racing Thrives Together We Can Save Lives” na magsisimula ng ganap na ala-1:00 ng hapon hanggang ala-6:00 ng gabi.
Katuwang ng PHILRACOM ang Philippine National Red Cross (PNRC) sa programa upang makapagbigay ng tulong na dugo para sa lahat ng mga manggagawa sa industriya ng karera.
Nagpapasalamat naman ang pamunuan ng Manila Police District Press Corps (MPDPCI) sa mga opisyal ng PHILRACOM sa matagumpay na ibinigay na charity race para sa programa ng mga mamamahayag na nagkokober sa lungsod ng Maynila.
Sa pangunguna ni MPDPC President Bening Batuigas, ginawaran nito ng pagkilala sina Chairman Castaño at Comm. Cantos dahil sa ibinigay na kauna-unahang pakarera ng samahan.