Bebot na courier ng marijuana nadakip sa checkpoint

MANILA, Philippines - Mahigit sa kalahating milyong pisong halaga ng marijuana ang nasamsam ng mga otoridad matapos na maaresto sa isang checkpoint ang isang 28-anyos na babaeng hinihinalang big time drug courier kamakalawa sa Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ni Cordillera Police Director P/Chief Supt. Benjamin Magalong ang nasakoteng suspek na si Merlyn Guimba ng Brgy. Dulgao West, Ting­layan, Kalinga.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga nang maaresto ng mga otoridad si Guimba habang lulan ng GL bus na patungong Baguio City na dumaan sa checkpoint sa Brgy. Agbannawang, Tabuk City.

Nasamsam mula sa bagahe ng suspek ang 22 kilo ng marijuana brick na nagkakahalaga ng P550,000 at hindi ito pu­malag nang arestuhin.

 

Show comments