Bangkay ng lalaki palutang-lutang sa ilog Pasig

MANILA, Philippines - Natagpuang palutang-lutang sa ilog Pasig ang  bangkay ng isang lalaki kahapon ng umaga sa Binondo, Maynila.

 Ang biktima ay inilarawan na nasa edad 25-35, may taas na 5’2” hanggang 5’3”, katamtaman ang katawan, mahaba ang buhok, nakasuot ng puting t-shirt at pantalon na maong.

Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang matagpuang nakalutang ang biktima sa ilog Pasig na nasasakupan ng Muelle dela Indusria  sa  Binondo, Maynila ng isang namamangka na patungo sa Manila Bay.

Walang nakitang bakas na sugat o pinahirapan sa katawan nito at hinihinala ng pulisya na posibleng pagkalunod  ang dahilan ng  pagkasawi nito.

 

Show comments