^

Police Metro

Catholic vote paIiralin sa 2013 elections

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanawagan si Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Family and Life vice-chairman Lipa Archbishop Ramon Arguelles sa mga mananampalataya na patunayan ang pagiging tunay na Katoliko sa 2013 midterm elections.

Ayon kay Arguelles napa­panahon at kailangan ng manindigan ang mga Katoliko sa pamamagitan ng pagtanggi sa mga kandidato na hindi sumusunod sa kautusan ng Diyos.

Inihayag ni Archbishop Arguelles na kailangan ng iparamdam ng mga Katoliko sa nalalapit na halalan sa Mayo ang minamaliit na “Catholic vote”.

Ipinaliwanag ng Arsobispo na maiiwasan lamang ang “ethnic cleansing, contraceptive mentality, paglaganap ng imoralidad at pagkasira ng pamilya at promiscuity sa Pilipinas kapag inihalal ng mamamayang Pilipino ang mga kandidatong nagmamahal sa buhay at hindi sumisira dito.

Iginiit naman ni Batanes Bishop Camilo Gregorio na walang kapasidad o beyond sa competency ng mga Senador at Kongresista na sabihin kung kailan nagsisimula ang buhay ng tao.

 Inihayag ng Obispo na nakakatawang isipin na maging ang definition when life begins na base sa natural law ay pilit na binabago ng mga mambabatas na nagsusulong ng RH bill.

ARCHBISHOP ARGUELLES

ARGUELLES

ARSOBISPO

BATANES BISHOP CAMILO GREGORIO

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES-EPISCOPAL COMMISSION

FAMILY AND LIFE

INIHAYAG

KATOLIKO

LIPA ARCHBISHOP RAMON ARGUELLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with