Nagnakaw at pumatay sa UPLB coed sumuko

MANILA, Philippines - Sumuko kahapon sa otoridad ang suspek na si Benigno Cayetano Nayle na siyang pumasok, nagnakaw at  pumatay sa 19-anyos na estudyante ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) na si Maria Victoria Reyes, 3rd year Bachelor of Science in Agriculture student noong Lunes dakong alas-12:40 ng tanghali sa loob ng bahay nito sa Biñan City, Laguna pasado alas-12:40 ng tanghali noong Nobyembre 19.

Ayon kay Laguna Provincial Police Office (PPO) Director Sr. Supt. Fausto Manzanilla Jr., bandang alas-11:50 ng tanghali nang isuko ng kaniyang lolo si Nayle sa himpilan ng pulisya.

Si Nayle ang itinuturo ng dalawang testigo kabilang ang mismong tiyuhin nito na nakitang duguan na tumatakbo sa bakuran ng bahay ng biktimang Reyes na natagpuang duguang naghihingalo ng ama sa tinamong isang tama ng saksak sa kaliwang dibdib at idineklara ng dead on arrival sa pagamutan.

Magugunita na nagpalabas ng P400,000 reward ang pamahalaang lokal ng Laguna para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikadarakip ng suspek. – Joy Cantos, Ed Amoroso

 

 

Show comments