Coed grinanada ang sarili

MANILA, Philippines - Kung ang iba ay nagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbaril, pag-inom ng lason, pagbibigti, pagtalon sa gusali at pagpapasagasa sa sasakyan ay kakaiba ang pagpapakamatay ng isang 21-anyos na kolehiyala nang pasabugin nito ang sarili gamit ang isang granada naganap kamakalawa sa bayan ng T’boli, South Cotabato.

Nagkagutay-gutay ang katawan ng biktima na kinilalang si Juralidine Ming, criminology student sa Regency Polytechnic College sa bayan ng Marbel.

Batay sa ulat ni Supt. Ricky Rebua, Chief of Police ng T’boli South Cotabato  bandang alas-9:30 ng umaga nang maganap ang insidente  sa bukid na pag-aari ng pamilya ng biktima.

Ayon sa salaysay ng kapatid ng biktima sa pulis­ya, nagtungo ang biktima  sa kanilang bukirin at nakita pa ito ng kanyang bayaw na umano’y malungkot at tulala.

Ilang saglit pa ay isang malakas na pagsabog ang yumanig sa lugar na unang  inakala ng mga kapamilya ay isang uri lamang ng paputok.

Nang kanilang punta­han ang pinanggalingan ng pagsabog ay nagulantang sila nang makitang nagkagutay-gutay ang katawan ng biktima.

Narekober sa lugar ang shrapnel ng granadang pi­nasabog ng dalaga sa kanyang sarili.

Tumanggi namang tukuyin ng pamilya ang mabigat na problema ng dalaga. Habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso.

 

Show comments