P.4-M reward sa killer ng UPLB coed
MANILA, Philippines - Nagpalabas ng P400,000.00 reward money ang pamahalaan ng lalawigan ng Laguna sa sinumang makapagtuturo para sa ikadarakip ng suspek sa pagnanakaw at pagpatay sa 19- anyos na estudyante ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) na si Maria Victoria Reyes noong Lunes sa Biñan City, upang mapabilis ang pag-aresto sa suspek na si Benigno Nayle, 19 ng Brgy. San Vicente ng nasabing lungsod.
Sinabi ni Laguna Provincial Police Office Director P/Sr. Supt. Fausto Manzanilla Jr. may mga hawak na silang lead sa pinagtataguan ng suspek.
Ang P 400,000 reward ay mula kina Laguna Governor Jorge “ER” Ejercito at Biñan City Mayor Marlyn “Lenlen” Alonte-Naguiat.
Magugunita na si Reyes, 3rd year BS Agriculture student ay nag-iisa sa kanilang bahay ay noong Lunes pasado alas-12:00 ng tanghali ay natagpuang patay ng kanyang ama na may isang malalim na saksak sa kaliwang dibdib.
Ang suspek na si Nayle na isang hinihinalang drug addict sa lugar ay itinuro ng dalawang testigo na nakitang tumatalilis sa may gate ng tahanan ng pamilya Reyes ilang minuto bago nadiskubre ang krimen.
- Latest