Defense & Sporting Arms show suportado ni Bartolome

MANILA, Philippines - Si Philippine Natio­nal Police (PNP) chief Director General Ni­ca­nor Bartolome ang ma­ngunguna sa pagbubukas ng 2012 Defense & Spor­ting Arms Show (DSAS) Part 2 sa Nobyembre 29, 2012 sa SMX Convention Center-Mall of Asia, Pa­say City.

Ito ang unang pagka­kataon na ang pinaka-prestihiyosong gun show sa bansa na nasa ika-20 taon na ay sasabayan ng 6th Manila Auto Salon, ang pinakamalaking auto aftermarket fair sa Pilipinas, na inaasahang dada­yuhin ng mga mahilig sa makabagong baril at magagarang kotse.

Ang pinag-isang DS­AS-MAS event ay ta­tagal ng apat na araw mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 20.

Ayon kay Neri Dio­ni­sio, pangulo ng Asso­ciation of Firearms and Ammunition Dealers (AFAD), bukod sa ma­la­king bilang ng mga mo­dernong armas na ipakikita sa gun show, marami ring libreng seminar ang kanilang inihanda para sa pub­liko.

Ang mga ito ay ang responsible gun ow­nership ng A2S5 Coa­lition, gun handling and safety, future of sport shooting, how to check gun reliability at proper gun maintenance.

Show comments