Tserman, driver niratrat

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng isang lalaki ang barangay chairman ng Brgy. Mahayahay na si Roman Toñacao, at driver nito na si Edison Tarucan, kamakalawa ng gabi sa Cawayan, Masbate.

Namatay noon din si Toñacao, at nasawi naman habang nilalapatan ng lunas sa Cawayan District Hospital si Tarucan.

Batay sa ulat, dakong alas-12:00 ng hatinggabi ay naglalakad ang mga biktima sa bisinidad ng Gomez St., Brgy. Divisoria, Cawayan ng sumulpot sa lugar ang suspek na si Dario Pepito ng Cebu City at agad pinagbabaril ang mga biktima.

 

Show comments