^

Police Metro

Nurse, utas sa holdaper

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang isang nurse makaraang tumangging ibigay ang kanyang bag at manlaban sa isang hindi pa kilalang holdaper na bumiktima sa kanya sa San Juan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Joross Barquia, 23, nurse, at residente ng Bismark Provident Village, J. Dela Peña St., Ma­rikina City.

Naisugod pa si Bar­quia sa San Juan Me­dical Center ngunit nasawi rin habang nilalapatan ng lunas bunsod nang tinamong tatlong malalim na saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon ng San Juan Police, nabatid na dakong alas-8:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa Lake St., kanto ng N. Domingo St., sa Brgy. Balongbato, San Juan City.

Ayon sa testigong si Armando Melquiades, sakay siya ng kanyang tricycle nang makitang duguang naglalakad ang biktima at humihingi ng saklolo.

Kaagad naman umano niyang tinulungan ang biktima at mabilis na isinugod sa pagamutan.

Habang bumibiyahe ay sinabi umano ng biktima kay Melquiades na hinoldap siya ng hindi pa nakikilalang lalaki pero tumanggi umanong ibigay ang kanyang bag at mga gamit kaya siya pinagsasaksak.

Nagsasagawa ngayon ng follow-up operation ang mga tauhan ng San Juan police para matukoy at maaresto ang holdaper na sumaksak at nakapatay sa biktimang nurse.

 

vuukle comment

ARMANDO MELQUIADES

BISMARK PROVIDENT VILLAGE

DELA PE

DOMINGO ST.

JOROSS BARQUIA

LAKE ST.

SAN JUAN

SAN JUAN CITY

SAN JUAN ME

SAN JUAN POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with