3 suspek sa model slay case kinasuhan ng murder

MANILA, Philippines - Kasong murder ang inirekomendang ni Assistant City Prosecutor Alessandro Jurado laban sa tatlong naarestong suspek na sina Althea Altamirano, nobyo nitong si Fernando Quiambao at Jaymar Waradji sa pagpatay sa partime model na si Julie Ann Rodelas.

Noong Lunes ay isi­nailalim sa inquest procee­dings ang tatlo, subalit sa inisyal na disposisyon para sa kaso ni Waradji ay sakop sa regular preliminary investigation.

Subalit, kahapon ay isinama si Waradji sa mga sasampahan ng kaso sa korte at walang piyansa na inirekomenda habang kinasuhan din si Gelan Pasewilan ng  illegal possession of firearms na may piyansang inirekomenda na P80,000.

Si Pasewilan ay ina­resto kasama si Waradji sa Salaam Compound noong Linggo ng umaga dahil sa pagdadala ng  loose firearms kahit na hindi siya kasama sa mga suspek sa pagpatay kay Rodelas.

Show comments