Buntis na may problema sa pag-ibig naglason

MANILA, Philippines - Malaki ang hinala ng otoridad na problema sa pag-ibig ang posibleng dahilan ng pag-inom ng silver cleaner ng isang buntis na ginang kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Cherry Rose Nellas, ng Ba­rangay 14 ng lungsod at ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Sa inisyal na imbes­tigasyon ng pulisya, bandang alas-11:00 ng gabi nang magpaalam si Cherry sa kanyang mga kasama sa bahay na matutulog na.

Ngunit, nagulat na la­mang ang ate nitong si Tristine nang makita itong nangingisay, maitim na ang mga kamay at bumubula ang bibig.

Isinisisi naman ng pamilya ang pagpapati­wa­kal sa nobyo nitong si Raniel Balbuena na huli umanong nakasama ni Cherry.

Ayon naman kay Bal­buena, inilihim ni Cherry ang kanyang pagbubuntis at hindi umano niya makumpirma kung siya ang ama ng dinadala nito dahil may ka-text umano itong ibang lalaki.

Show comments