^

Police Metro

No bail sa magnobyong sangkot sa pagpatay sa modelo

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang inirekomendang piyansa ang QC court sa modelong si Althea Atamirano at sa nobyo nitong si Fernando Quiambao Jr. na sinampahan ng murder kaugnay sa  pagpaslang sa modelong si Julie Anne Rodelas noong November 6. Habang P80, 000 naman ang ginawad na piyansa sa isa pang akusado sa krimen na si Gelen Pasiwilan  na kinasuhan ng illegal possession of firearms.

Ipinag-utos naman ni QC  Prosecutor Alessandro Jurado na maging star witness ang isa pang naarestong suspek na si Jaymar Waradje Insadje matapos itong humi­ngi ng tawad kay Ginang Luz Rodelas, ina ng biktima.

Sinabi ni Mrs Rodelas na mapapatawad lamang siya ng pamilya kung  papayag itong maging testigo sa krimen.

Itinuro rin ni Jaymar na si Altamirano ang siyang utak sa krimen dahil ito umano ang text nang text kay Quiambao. Wala rin umanong ibinayad si Quiambao sa kanila para sa partisipasyon sa krimen, dahil lumabas na pagtanaw lamang nila ng utang na loob ito sa madalas na pagpapasyal at panlilibre sa kanila ni Quiambao na apat na buwan na rin nilang kaibigan. -Angie dela Cruz,

 

ALTAMIRANO

ALTHEA ATAMIRANO

ANGIE

FERNANDO QUIAMBAO JR.

GELEN PASIWILAN

GINANG LUZ RODELAS

JAYMAR WARADJE INSADJE

JULIE ANNE RODELAS

MRS RODELAS

PROSECUTOR ALESSANDRO JURADO

QUIAMBAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with