MANILA, Philippines - Tinapos na ng isang nakababatang kapatid ang ginagawang pananakit ng kanyang kuya kapag nalalasing nang ito ay kanyang barilin sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo kamakalawa sa bayan ng Cabugao, Ilocos Sur. Nasawi noon din ang biktimang si Jimmy Saniatan, 45-anyos dahil sa tama ng bala ng homemade na paltik sa katawan.
Nadakip at nahaharap sa kasong parricide ang suspek na si Dominador Saniatan, 38.
Batay sa ulat, alas-3:00 ng madaling-araw sa bahay ng magulang ng magkapatid sa Brgy. Daclapan, Cabugao ng lalawigang ito ay lasing ang biktima at nagwawala at binantaan na muling sasaktang ang suspek.
Dahil sa ayaw na umanong maulit pa ang ginagawang pananakit ng biktima sa kanila tuwing ito ay malalasing ay kinuha nito ang baril na paltik at binaril ang kuya.