3 Bata minanyak ng matanda

MANILA, Philippines - Dinakip ng pulisya ang isang 71-anyos na lolo matapos itong ireklamo ng isang ina sa ginawang pangmomolestiya sa tatlo nitong anak na paslit kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Ang suspek ay kinila­lang si Virgilio Bolanda, alyas Villy, 71, residente ng 167 Vic­­torino St., Ex­ten­sion, Brgy Santolan sa lungsod. Sa reklamo ni Rebec­ca Genesis, ina ng
tat­long bata na may edad 5, 7at 9 na umano’y mino­lestiya ito ng suspek sa ka­nilang bahay sa Victorino St., Extension, Brgy. Santolan, kamakalawa ng alas-7:00 ng gabi.

Ayon sa mga bata, hi­nahawakan umano ng sus­pek ang maseselang baha­gi ng kanilang katawan sa tu­wing wala ang kanilang ina kaya napilitan na
si­­­­lang isumbong ito sa ka­nilang ina.

Show comments