^

Police Metro

Makunat magbayad inutas

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang security guard ang binaril ng kanyang kabaro dahil sa umano’y hindi nito pagbabayad sa matagal nitong utang na pera naganap kahapon ng umaga sa Quezon City.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital ay kinilalang si Romel Ramos, 21, binata, security guard ng Asiatic Security and Investigation Agency at naninirahan sa Block 11, H. Bautista St., Concepcion Uno, Marikina City.

Tumakas naman ang suspek na kinilalang si Romeo Acido, 45, kasamahan ng biktima at naninirahan sa 175 Cristobal St., Paco, Maynila.

Sa pahayag sa pulis­ya ng sekyung si Jonathan Tidios, kapapalit la­mang umano sa kanya ng karelyebong suspek nang makarinig siya ng putok dakong alas-6:15 ng umaga sa harap ng gusali ng Apex Import Marketing Corporation na matatagpuan sa may 57-B Judge Juan Luna, Brgy. San Antonio sa lung­sod.

Nang lumabas si Tidios para alamin ang putok ng baril ay nakita niya ang  duguang biktima na nakasalampak sa lupa, habang tumatakbo ang suspek dala ang kanyang service firearm.

Lumalabas sa imbesti­gasyon na matagal na uma­nong may alitan ang suspek at biktima noong magkasama pa ang mga ito sa gusali ng Apex dahil sa umano’y hindi pagbabayad ng utang na pera ng huli sa una na matagal ng panahon.

Para matigil ang kani­lang bangayan ay nagpas­ya ang kanilang amo na ilipat ng ibang destino ang biktima. 

Kaya noong umaga iyon ay nagpunta ang biktima sa Apex at dito ay nasalubong siya ng suspek at muling siningil sa utang hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pamamaril.

 

APEX IMPORT MARKETING CORPORATION

ASIATIC SECURITY AND INVESTIGATION AGENCY

B JUDGE JUAN LUNA

BAUTISTA ST.

CONCEPCION UNO

CRISTOBAL ST.

JONATHAN TIDIOS

MARIKINA CITY

QUEZON CITY

ROMEL RAMOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with