Surigao del Sur, niyanig ng 6.5 magnitude na lindol
MANILA. Philippines - Isang 6.5 magnitude na lindol ang nagpayanig sa Surigao del Sur at apat na iba pang bahagi ng bansa kahapon ng alas-2:17 ng madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lalim ng lindol sa 78 kilometro at tectonic ang origin nito.
Bunsod nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa intensity 5 sa Tandag, Surigao del Sur, intensity 4 sa Surigao City at intensity 3 sa Bislig, Surigao del Sur.
Niyanig din ng lindol ang Bolinao, Pangasinan na may lakas na magnitude 2.4 kahapon ng alas-3:48 ng madaling araw gayundin ay naitala ang magnitude 2.8 ang tumama sa Burgos, Surigao del Norte at magnitude 4.6 sa Buenavista, Guimaras kahapon ng alas-4:39 ng madaling-araw.
Bago ito, naitala din ang paglindol sa Saranggani Davao del Sur sa lakas na magnitude 4.1 alas-10:02 ng Biyernes ng gabi na may lalim na 176 kilometro
Wala namang naiulat na naapektuhan sa naturang mga lindol.
- Latest