Mister miniskol ni Kamatayan

MANILA, Philippines - Isang 44-anyos na mister ang namatay noon din matapos barilin sa katawan ng hindi pa kilalang suspek nang ito ay lumabas ng bahay para sagutin ang nagmi-miskol sa kanyang cellphone kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Ang nasawi ay kinilalang si Ronnie Bundallan, ng Barangay North Bay Boulevard North ng nasabing lungsod.

Sa pahayag ng ka-live in ng biktima na si Joyce, dakong ala-1:00 ng mada­ling-araw ay may tumawag sa cellphone ng una kung kaya’t lumabas ito ng bahay upang sagutin ang tawag.

Pagkalabas ng biktima ay isang lalaki ang luma­pit at walang sabi-sabing pinagbabaril ito. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang makilala ang suspek at motibo sa ginawang pagpatay.

Show comments