^

Police Metro

4 OFWs dedo sa Saudi

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Iniulat kahapon ng pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na apat na Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nasawi matapos na bumangga ang sinasakyang 15-seater van sa isang concrete barrier sa Saudi Arabia noong Lunes.

Ayon kay kay DFA Spo­kesman Raul Hernan­dez, base sa report ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, ang mga OFWs ay nakilalang sina Imm Paredes, Jorwin Pagatpatan, David Sales at Cri­sente Sayo na nagtatrabaho bilang tea boy at messen­ger.

Sinasabing magkaka­tabi at natutulog sa upuan ang mga biktima nang humampas ang sinasakyang van sa isang konkretong harang sa daan at sa lakas ng impak ay tumilapon ang mga ito sa sasakyan.

Dead-on-the-spot sa pinangyarihan ng insiden­te si Paredes habang ang tatlo ay binawian ng buhay habang ginagamot sa Mouwasat Hospital.

Ang apat na OFWs ay kasama sa grupo ng 15 Pinoy na naaksidente habang bumibiyahe mula Riyadh patungo sa isang beach sa Damman.

Sinabi ni Hernandez, nakikipag-ugnayan na ang mga embassy officials sa employer ng mga biktima para sa anumang tulong na maibibigay ng embahada sa repatriation ng mga labi ng apat na OFWs at sa mga sugatan.

“Our embassy officials are also in touch with their employer to ascertain the kind of assistance that our embassy could extend to the victims and those injured including arrangements for their repatriation to the Philippines” ani Hernandez.

Tinutugis na ang Bang­ladeshi national na nagsil­bing driver ng van at supervisor ng mga OFWs na nakilalang si Bilal Hussein na tumakas matapos ang  insidente.

Base sa inisyal na report, nakatulog umano ang naturang driver habang mabilis na nagmamaneho hanggang sa mawalan ng kontrol ang manibela at 10 beses na nagpagulung-gulong ang sasakyan bago ito bumangga sa konkretong harang sa highway dakong alas-4:00 ng madaling-araw noong Lunes.

BILAL HUSSEIN

DAVID SALES

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

HERNANDEZ

IMM PAREDES

JORWIN PAGATPATAN

MOUWASAT HOSPITAL

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with