Obrero inutas sa sementeryo

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay ang biktimang si Romeo Jamila Jr., 25, binata, construction worker, at residente ng B-1, L-56, Brgy. Bulihan, Maguyam, Silang, Cavite matapos barilin habang nag-iinuman sa loob ng Bulihan Cemetery kamakalawa ng alas-4:00 ng hapon.

Batay sa ulat, nag-iinuman ang biktima at ilang kaibigan sa loob ng semen­teryo nang sumulpot ang suspek sa lugar at walang sabi-sabing binaril ito sa dibdib.

Mabilis na tumakas ang suspek na inilarawan na nasa pagitan ng edad 50-60; may taas na 4’6”, chubby, nakasuot ng itim na jacket, sombrero at pantalon.

Show comments