UP lalapit sa Final Four

MANILA, Philippines — Lalapit ang University of the Philippines sa pagsilo ng pang-anim na sunod na Final Four appearance kaya walang ibang nasa isipan nila kundi ang payukuin ang kalabang A­damson University ngayon sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament na lalaruin sa Araneta Coliseum.

Ang panalo sa tapatan na magsisimula sa alas-6 ng gabi ay hindi lamang magpapalakas sa tsansa ng UP sa Final Four, kundi magpapatibay sa kanila sa pagkapit sa solong liderato.

Nakatambay sa No. 1 spot ang UP na may 7-2 record, nasa pangalawa ang National University (7-3) at tersero ang defending champion La Salle (6-4).

Giriian naman ang Far Eastern University at University of the East sa alas-2:30 ng hapon.

Show comments