Isa na lang sa Thunder

OKLAHOMA CITY — Isang panalo na lang ang kailangan ng Thunder para muling makasampa sa NBA Finals.
Ito ay matapos humataw si Shai Gilgeous-Alexander ng 32 points habang may 22 markers si Alex Caruso sa 127-114 panalo ng nagdedepensang Oklahoma City kontra sa San Antonio Spurs para sa 3-2 lead sa kanilang Western Conference finals series.
“We definitely got better from the last game,” sabi ni Gilgeous-Alexander sa nauna nilang 82-103 kabiguan sa Game 4.
Umiskor si Jared McCain ng 20 points sa kanyang unang playoff start para sa Thunder na nakahugot kay Chet Holmgren ng 16 points at 11 rebounds.
Humakot si center Isaiah Hartenstein ng 12 points at 15 boards para sa defending champion.
Naghihintay na ang New York Knicks, winalis ang Cleveland Cavaliers, 4-0, sa kanilang Eastern Conference finals series, ng makakalaban para sa NBA Finals na magsisimula sa Hunyo 4.
Kumamada si Stephon Castle ng 24 points sa panig ng Spurs at may 22 at 20 points sina Julian Champagnie at 7-foot-4 Victor Wembanyama, ayon sa pagkakasunod.
Nag-ambag si Keldon Johnson ng 15 mula sa bench para sa San Antonio na naimintis ang 29 sa kanilang 41 tira sa three-point line.
“It just felt like it was a little bit of everything in terms of we did not put ourselves in position enough to be successful on each possession,” sabi ni Spurs coach Mitch Johnson. “And so, to beat a team of this caliber, in their building, with the stakes, we’ll need to be a lot better to give yourself a chance.”
Nakatakda ang Game 6 bukas sa San Antonio.
- Latest





















