Short sa ‘bigs’
Bago dumating ang panibagong rookie draft class, nagsabong ang apat na PBA teams sa Kadayawan Invitationals sa Davao, at lumusot na kampeon ang NLEX Road Warriors.
Sa pangunguna nina Xyrus Torres at Tony Semerad, pinadapa ng Road Warriors ang Blackwater Bossing, 101-84, sa finale ng short event na nilahukan din ng Converge FiberXers at Phoenix LPG Fuel Masters.
Nagpaulan ang Road Warriors ng 18 three-pointers – kasama ang tag-tatlo mula kina Torres at Semerad – sa pagsungkit ng korona na pagpapahiwatig ng kanilang competitiveness para sa parating na PBA Season 50.
Maganda na ang kanilang ipinikita sa nakaraang All-Filipino tourney sa ilalim ni coach Jong Uichico.
Kasama nila ang San Miguel Beer, Magnolia at Barangay Ginebra na tumapos sa itaas ng elims, tangan ang identical 8-3 win-loss cards.
Ang siste, natapilok sila sa quarterfinals at natapon ang twice-to-beat advantage kontra Rain or Shine.
May solid backcourt ang NLEX na binabanderahan nina Robert Bolick, Kevin Alas, Baser Amer at Torres pero nanatiling kulang ng tikas sa frontcourt.
At siguradong eto ang nais nilang punuan sa padating na Rookie Draft.
Ang tanong eh kung may mabibigat na frontliners na sasali sa draft.
Meron kaya silang madadakmang bigs na pwedeng itapat kina June Mar Fajardo, Poy Erram, Japeth Aguilar, Ian Sangalang at mga gaya nila?
- Latest

















