PBA Season 50 Draft
Papalapit sa Aug. 29 deadline, inaasahan na ang pasok ng mga applicants para sa PBA Season 50 Rookie Draft sa Sept. 7.
Noong una, may palaisapan para sa marami dahil sa conflict ng skeds ng lahat ng liga – MPBL, UAAP, NCAA – sa pagbubukas ng PBA Season 50 sa October.
“Inaayos namin,” ani PBA commissioner Willie Marcial.
Isang pagsasaayos, ayon kay Kume, ay ang pagbubukas ng draft door kahit na sa mga MPBL players with existing contracts.
“Pa-draft sila, pero tatapusin muna nila ang kanilang (MPBL) kontrata bago makipag-negotiate sa PBA team na magdra-draft sa kanila,” ani Kume.
May sulat na rin ang PBA sa UAAP ukol sa parehong problema.
Sa kasalukuyan, may naka-ambang UAAP sanction sa player na papasok sa PBA draft habang naka-lineup pa sa collegiate league.
Pero kahit maisaayos ang lahat, mukhang mas malayong mababaw ang Season 50 draft pool kumpara sa nagdaang mga seasons.
Pera na lang kung sa last minute, may dagsa ng mga talents from overseas.
Kung mula lang sa local ang pagbabasehan, makikita ang matagal pang pananalasa ni June Mar Fajardo.
Nakaamba ang pagsungkit niya ng ninth MVP trophy. At malamang na hindi dito magtatapos ang kanyang dominasyon.
- Latest

















