^

PM Sports

Eala lusot kay Koevermans

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi naging hadlang kay Alex Eala ang ma­kailang ulit na pagkakaantala ng laro dahil sa ulan para masiguro nito ang ka­niyang tiket sa second round ng Oeiras Ladies Open sa Jamor Tennis Club sa Oeiras, Portugal.

Inilista ng Rafael Nadal Academy scholar ang 6-3, 6-4 panalo kontra kay Anouk Koevermans ng Netherlands upang umabante sa Round-of-16 ng torneo.

Makailang ulit na na­tigil ang laro dahil sa ma­tinding buhos ng ulan dahilan para masuspinde ito at ipagpaliban.

Lamang si Eala ng isang set ngunit nabaon ito sa 2-4 sa second set nang suspendihin ang laban

Sa pagbabalik ng ak­siyon kinabukasan ay sa­riwang sariwa na lumabas ng court si Eala kung saan sunud-sunod nitong pinakawalan ang matata­lim na atake para makuha ang panalo.

Ito ang unang panalo ni Eala sa clay court sa season na ito at upang panalo bilang Top 100 player.

Kasalukuyan itong nasa ika-73 sa world ran­kings ng WTA.

“First win on clay this year. First win as top 100 too,” ani Eala sa kaniyang post sa social media.

Makakalaban ni Eala sa second round ang mananalo sa paghitan nina qualifier Lian Tran ng Ne­therlands at Panna Udvardy ng Hungary.

Sunod na sasabak si Eala sa doubles kung saan kapares nito si American Katie Volynets.

Makakalaban nina Eala at Volynets sa first round sina fourth-seeded American pair Carmen Corley at Christina Rosca.

Ang pagsabak ni Eala sa torneo ay bahagi ng paghahanda nito para sa prestihiyosong French Open sa susunod na buwan sa Paris, France.

Maliban sa Portugal tournament, nakatakdang sumalang sa iba’t ibang torneo si Eala sa Italy at Spain bago tumulak sa Paris.

 

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with