^

PM Sports

Mahal ng Pinoy ang PBA

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

What do I love about the PBA?

Ito ang katanungan na ibinato ng One Sports sa 50 individuals sa selebrasyon ng PBA 50th anniversary noong nakaraang gabi.

Isang karangalan na isa ako sa natanong at na-i-feature sa kanilang special. At ito ang aking naging sagot:

“The game itself.

“Sobrang hilig at mahal nating mga Filipino ang basketball, at ang PBA being the No. 1 sports entertainment in the land – naglalaro year-round, paano mo siya hindi tatangkilikin?

“Kung napanood mo ang Crispa-Toyota rivalry, ang Jaworski-Fernandez rivalry, ang pagdating ni Skywalker (Samboy Lim) at Triggerman (Allan Caidic) na sinundan ng pagsibol nila Alvin Patrimonio, Bong Alvarez, Benjie Paras, Ronnie Magsanoc, Vergel Meneses, Kenneth Duremdes at Johnny Abarrientos ang mga sumunod sa kanilang yapak, paano mo hindi susundan ang PBA?

“Dumating ang pagsagot nila sa panawagang bumalik sa pag-represent sa bansa sa international tournaments. Sinimulan ng team ni Jaworski noong 1990 Beijing Asian Games, at nagtuluy-tuloy hanggang makahugot ng memorable moments like the 1998 Jones Cup championship, isa pang Jones Cup championship noong 2012, return to the FIBA World Cup in 2014 hanggang sa mabawi ang Asian Games gold medal sa Hangzhou (2023 Asian Games).

“Ang historic run ng career ni June Mar Fajardo.

“Mananatiling No. 1 sports entertainment ng mga Filipino ang PBA. Nakakabit na sa kultura ng mga Filipino ang PBA.”

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->