^

PM Sports

Golden

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Dahil habol ang Grand Slam, target ng lahat ang TNT Tropang Giga.

Isa pang may bull’s eye sa kanilang likuran ang Meralco Bolts bilang titleholder sa PBA Season 49 Philippine Cup.

Medyo matagal pa ang pahinga ng koponan ni coach Chot Reyes, kaya’t sa tropa ni coach Luigi Trillo nakatuon ang pansin ng marami.

Nakatayong matatag naman bilang kampeon ang Bolts, at least sa kanilang unang dalawang laro.

Back-to-back character wins ang hinugot nina Chris Newsome at ng kanyang teammates – una ang pagbangon mula 20 down upang gulantangin ang Converge 91-89; ikalawa ang paggiba sa Terrafirma Dyip, 118-80.

Dahil dito, agad nilang kinuha ang solo league leadership, kasama ang magandang momentum habang maghahanda para sa classic match kontra San Miguel Beer bukas sa Rizal Memorial Cioliseum.

Aalalahin ang pagbubukas ng PBA 50 years ago. At sa gabing ito, maglalaban ang Beermen at Bolts suot ang retro jersey – o unipormeng gamit ng San Miguel at Meralco noong kapanahunan nila sa MICAA sa Rizal Memorial Coliseum.

At dito magsisimula ang mahabang 50th PBA anniversary celebration, kasama ang pagluklok ng 10 players na kukumpleto ng 50 PBA greatest sa formal event sa Biyernes sa Solaire North, Quezon City at ang reunion ng lahat ng PBA players at iba pang personalidad sa pagbubukas ng PBA Season 50.

Kasama ako sa maraming tumanda sa pagsunod sa PBA, simula noong 70s kung saan lahat ata ng Pinoy ay kasama sa pagtunghay sa Crispa-Toyota rivalry.

Ang sarap balikan ng mga alaala.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with