Ika-5 dikit nilangoy ng Clippers

INGLEWOOD, Calif., Philippines — Bumanat si guard James Harden ng 30 points, habang naglista si Kawhi Leonard ng 23 points at 10 rebounds para igiya ang Los Angeles Clippers sa 128-108 pagsisiw sa Memphis Grizzlies

Ito ang pang-limang sunod na arangkada ng mainit na Clippers (40-30).

Kumolekta si center Ivica Zubac ng 17 points at 10 rebounds at may 16 markers si Bogdan Bogdanovic.

Binanderahan ni forward Jaren Jackson Jr. ang Griz­zlies (43-28) sa kanyang 23 points.

Laglag ang Memphis sa ikatlong sunod na kama­lasan bagama’t nakahugot kay Santi Aldama ng 16 points, samantalang may tig-15 markers sina Scotty Pippen Jr. at Luke Kennard.

Hindi naglaro si injured guard Ja Morant (left ham­string injury) para sa Memphis na binomba ng Los An­geles ng isang 19-5 atake sa third period matapos kunin ang 66-60 halftime lead patungo sa panalo.

Sa Salt Lake City, nagposte si Kristaps Porzingis ng 27 points at may 26 markers si Jayson Tatum sa 121-99 demolisyon ng nagdedepensang Boston Celtics (51-19) sa Utah Jazz (16-55).

Sa Oklahoma City, umiskor si Shai Gilgeous-Ale­xander ng 30 points sa 141-106 pagmasaker ng Thun­der (58-12) sa Charlotte Hornets (18-52).

Sa Phoenix, kumamada si Kevin Durant ng 42 points sa 123-112 pagsunog ng Suns (34-37) sa minamalas na Cleveland Cavaliers (56-14).

Sa Portland, humakot si Deni Avdija ng 36 points, 8 rebounds at 7 assists sa 128-109 pagpapabagsak ng Trail Blazers (32-39) sa Denver Nuggets (44-27).

Sa Washington, naglista si Paolo Banchero ng 30 points sa 120-105 panalo ng Orlando Magic (33-38) sa Wizards (15-54).

Show comments