Clippers sinikwat ang ika-4 dikit sa Cavs

Tinirahan ni Clippers forward Kawhi Leonard si Cavaliers center Jarrett Allen.

INGLEWOOD, Calif. — Nagbagsak si Kawhi Leonard ng 33 points sa 132-119 paglunod ng Los Angeles Clippers sa East-leading Cleveland Cavaliers.

Humakot si center I­vica Zubac ng 28 points at 19 rebounds at nagtala si James Harden ng 22 points at 9 assists para sa ikaapat na sunod na arangkada ng Clippers (39-30).

Umiskor si Max Strus ng season-high 24 points para sa ikalawang dikit na kabiguan ng Cavaliers (56-12) matapos magwakas ang kanilang 16-game winning streak kontra sa Orlando Magic.

Nag-ambag si Donovan Mitchell ng 18 points at 11 assists  habang may 17 markers si Evan Mobley sa kanyang pagbabalik mula sa one-game absence dahil sa isang foot contusion.

Bumangon ang Clippers mula sa isang 12-point deficit para itayo ang sari­ling 12-point lead sa Cavaliers sa final quarter.

Sa Boston, naglista si Baylor Scheierman ng career-high 20 points at kumolekta si Kristaps Porzingis ng 25 points at 13 rebounds sa 104-96 demolisyon ng Celtics (50-19) sa Brooklyn Nets (23-46).

Sa San Francisco, kumamada si Jimmy Butler ng 24 points, 10 assists at 8 rebounds sa 104-93 panalo ng Golden State Warriors (40-29) sa Milwaukee Bucks (38-30).

Show comments