Tres ni Toppin naglusot sa Pacers sa OT

MINNEAPOLIS — Isinalpak ni Obi Toppin ang isang three-point shot sa huling 3.5 segundo sa 132-130 overtime win ng Indiana Pacers sa Minnesota Timberwolves.
Winakasan ng Pacers ang eight-game winning streak ng Timberwolves.
Tumapos si Toppin na may season-high 34 points tampok ang pitong triples para sa Indiana.
Bumanat si Anthony Edwards ng 38 points sa panig ng Minnesota na hinawakan ang five-point lead sa huling minuto sa overtime.
Ipinasok ni Toppin ang kanyang game-winning triple para sa 132-130 abante ng Indiana, habang kapos ang fadeaway ni Julius Randle sa huling posesyon ng Minnesota.
Sa Los Angeles, humataw si Austin Reaves ng 30 points at tumipa si Luka Doncic ng 21 points, 14 assists at 9 rebounds sa 125-109 pagggupo ng Lakers sa San Antonio Spurs.
Sa Houston, bumira sina Fil-Am Jalen Green at Jabari Smith Jr. ng tig-30 points sa 144-137 overtime win ng Rockets sa Philadelphia 76ers.
Sa Phoenix, nagtala si Devin Booker ng 27 points para banderahan ang Suns sa 129-89 pagsunog ng Suns sa Toronto Raptors.
- Latest