PH lawn bowlers tatarget ng ginto
MANILA, Philippines — Desidido ang Pinoy squad na humakot ng gintong medalya sa 16th Asian Lawn Bowls Championships na gaganapin sa susunod na buwan sa Clark, Pampanga.
Optimistiko si head coach at tournament director Ronalyn Redima Greenlees na makapagbibigay ng magandang laban ag Piny squad sa men’s pair at women’s singles events kung saan defending champion ang Pilipinas.
Nakataya ang walong ginto sa singles, pairs, triples at fours (men at women) sa torneong idaraos sa Abril 27 hanggang Mayo 4 sa Clark Bowling Greens sa Clar.
Kumpirmado na ang pagdating ng 12 bansa kabilang ang Malaysia, Iran, Brunei, Japan, Hong Kong, Singapore, Thailand, Malaysia, Macau, South Korea at China.
Puntirya nina Rodel Labayo na back-to-back gold medalist sa pairs event at partner Elmer Abatayo na masungkit ang ikatlon gsunod na korona.
“Gusto namin dito sa Pilipinas mag three-peat,” ani Labayo sa pagbisita nito sa Philippine Sportswriters Association Forum sa Rizal Memorial Sports Complex Conference Hall.
Dedepensahan naman ni Rosita Bradborn ang kaniyang titulo sa women’s singles.
Nagwagi ito ng ginton gmedalya sa Thailand noong nakaraang taon.
“Nagtiyaga kami nang husto sa training para manalo ulit,” ani Bradborn sa forum na suportado ng San Miguel Corporation, PSC, Philippine Olympic Committee, Smart/PLDT, MILO at ArenaPlus.
Ayon kay Greenlees, may dalawang dekada nang nilalaro ang lawn bowls sa Pilipinas.
Nilaro rin ito noong 2019 Manila SEA Games kung saan nagwgai ang Pilipinas ng isang ginto, tatlong pilak at dalawang tanso.
Hindi kasama ang lawn bowls sa Thailand SEA Games sa Disyembre.
Suportado naman ng Philippine Sports Commission at Clark Development Corporation ang Asian meet.
- Latest