^

PM Sports

Cone bumubuo na ng game plan

Chris Co - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Bubuo si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ng game plan upang maiwasan ang anumang injury bago sumabak sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero 20 at 23 na gaganapin sa Taiwan at New Zealand.

Nakaamba ang matin­ding pagsubok na pagdaraanan ng Gilas Pilipinas.

Kaya naman ngayon pa lang, pinaplantsa na ni Cone ang mga gagawin nito para matiyak na magiging healthy ang kanyang bataan.

Unang pagdaraanan ng Gilas Pilipinas ang 2nd International Friendly Basketball Championship na magsisimula sa Pebrero 14 sa Doha, Qatar.

Mapapalaban ang Gilas Pilipinas kontra sa host Qatar, Egypt at Lebanon.

Dahil dito, gagawa si Cone ng game plan upang hindi masyadong mapagod ang kanyang tropa partikular na sina naturalized player Justin Brownlee at AJ Edu na galing lamang sa injury.

Ang Doha tournament ay bahagi lamang ng preparasyon ng Gilas Pilipinas upang makabuo ng solidong chemistry para sa FIBA Asia Cup Qualifiers.

Kaya’t hindi prayoridad na manalo sa Doha.

Para kay Cone, mas importante ang mga larong haharapin nito sa qualifiers.

Kasalukuyang naglalaro sa kani-kanyang teams ang mga Gilas Pilipinas pool.

Nasa Barangay Ginebra si Brownlee para sa PBA Commissioner’s Cup habang naglalaro naman si Edu sa Japan B.League kung saan may averages itong 5.5 points, 5.5 rebounds at 1.3 blocks para sa Nagasaki Velca.

TIM CONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with