MANILA, Philippines — Handa na si Kai Sotto na makipagsabayan sa matitikas na players sa NBA.
Ayon kay Gilas Pilipinas head coach Tim Cone, malaki na ang ipinagbago ng laro ni Sotto partikular na sa mga laro ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers.
Mismong si Cone ang nakakita sa malaking improvement sa paglalaro ni Sotto sa kanilang training camp kasama ang Gilas Pilipinas.
“We still think collectively as a group, talking about the players and coaching staff, he needs and should be in the NBA, that’s just on top of our minds,” ani Cone sa programang Power and Play.
Bilib si Cone sa kakayahan ni Sotto dahil mayroon itong skills na puwedeng puwede na sa NBA.
“Oftentimes it’s an opportunity. Oftentimes, it’s the system and how he’s used, where he can fit, but on a skill level, there’s no doubt he can play in the NBA,” ani Cone.
Kaya ni Sotto na maglaro sa ibang posisyon na nagawa nito sa mga nakalipas na laro ng Gilas. Solido ang inilaro nitosa FIBA Asia Cup Qualifiers.
“His ability to play in the perimeter, imagine we play him as a wing in our offense. He’s a 7-foot-3 wing because June Mar is our 5, so we play him as a wing player since we don’t necessarily play two post men,” ani Cone.
Solido ang inilaro ni Sotto sa FIBA Asia Cup Qualifiers.
Nagtala ito ng averages na 15.5 points, 12.5 rebounds at 3.8 assists sa apat na laro nito sa Gilas Pilipinas.
Patunay na kaya nitong makipagsabayan sa matitikas na players sa NBA.
Nagawa ni Sotto na makipagbanggaan sa matatangkad at mas may experience na players ng New Zealand kung saan nanalo ang Pinoy squad sa iskor na’ 93-89.
Mayroong nakuhang 19 points, 10 rebounds at pitong assists si Sotto kontra sa Tall Blacks.
“It’s only a 40-minute game and he gets seven assists. It’s not even a game against Hong Kong, but against New Zealand, a top 20 world-ranked team,” ani Cone.