Kings’ roster: Swabe

Apat na tulog na lang, masisilayan na ang arangka­da ng koponang Barangay Ginebra na nakakuha ng karagdagang lakas sa pagdating ni free agent recruit Troy Rosario.

At kung handa na rin bumalik si Jamie Malonzo mula injury, mabigat na karagdagang offensive force at defensive might ang dala ng Gin Kings sa PBA Season 49 Commissioner’s Cup.

NLEX ang haharap sa Ginebra conference debut sa Miyerkules sa Ninoy Aquino Stadium.

Dahil manipis ang rotation, kinapos ang Gin Kings at tumapos lang na segunda sa likod ng TNT Tropang Giga sa nakaraang Governors’ Cup finals.

Pero mukhang lahat ng kanilang kakulangan ay ma­pupunuan sa pagdating nina Rosario at Malonzo.

Muling magkakaroon ng katulong si Japeth Aguilar sa shaded lane sa katauhan ni Rosario. Samanta­lang pagpapatibay ng wing rotation naman ang ha­tid ni Malonzo.

Sa presensya nina Scottie Thompson, Stephen Holt, Maverick Ahanmisi at John Pinto, sta­ble ang Ginebra backcourt. Samantalang wala dudang malaking alas ni­la si Justin Brownlee bi­lang import.

Malamang na swabe nilang mararating ang Fi­nal Four.

Depende kung sino ang ka-matchup, sa Final Four magsisimula ang pagsubok sa retooled lineup ni coach Tim Cone.

Show comments