Adamson sasagupa sa UE sa playoff

MANILA, Philippines — Nasungkit ng Adamson ang playoff para sa ika-apat na puwesto matapos igupo ang Ateneo, 69-55, kahapon sa huling araw ng elimination ng UAAP Season 87 men’s basketball sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan City.

Sa kanilang panalo, na­pantayan ng Soaring Falcons ang University of the East Red Warriors sa parehong 6-8 card sa team standing habang ang Blue Eagles ay tumapos sa ilalim tangan ang 4-10 record.

Magtatagpo ang Red Warriors at Soaring Falcons sa Miyerkules upang pag-agawan ang huling slot sa Final Four at makuha ang karapatang lumaban kontra sa top seed De La Salle Green Archers na hawak ang 12-2 card. Maghaharap naman ang University of the Philippines Fighting Maroons (11-3) at University Sto. Tomas Growling Tigers (7-7) sa isang semis match.

Dikitan ang naging labanan sa unang period kung saan ay hawak ng Soaring Falcons ang one-point lead, 16-15 papasok ng second quarter.

Nagpakita ng tikas ang Blue Eagles sa kaagahan ng second period nang maagaw nila ang lamang, 23-20 pero hindi nagpabaya ang Soa­ring Falcons, sumagot agad ng 10-0 run para mabawi ang bentahe, 23-30 may 4:12 minuto na lang sa first half.

Nanguna sa Falcons si Royce Mantua na may 14 markers.

Show comments