Gonzaga hindi nangalawang

Muling inilabas ni Gon­zaga ang bagsik nito sa kanyang pagbabalik sa Premier Volleyball League (PVL) para sa ZUS Coffee.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sa kabila ng ilang buwan na pahinga, hindi ma­kikita ang pangangalawang kay Jovelyn Gonza­ga na kilala sa tawag na ‘Bionic Illongga’.

Muling inilabas ni Gon­zaga ang bagsik nito sa kanyang pagbabalik sa Premier Volleyball League (PVL) para sa ZUS Coffee.

Tinulungan ni Gonza­ga ang Thunderbelles para makuha ang kauna-unahang panalo nito sapul nang sumabak ito sa liga.

Nagtala si Gonzaga ng 23 puntos para pataubin ng ZUS Coffee ang Nxled, 19-25, 25-23, 25-22, 25-15.

Dinala ni Gonzaga ang malalim nitong kara­nasan para magsilbing li­der ng Thunderbelles.

“Gusto kong ibigay ‘yung kumpiyansa and tiwala kasi once na mabuo ang kumpiyansa nila, ma­giging maganda ‘yung per­­formance ng team,” wika ni Gonzaga.

Malaki ang tiwala ni Gonzaga sa kaniyang ba­­gong team at umaasa siya na ito na ang simula ng pag-angat ng kanilang tropa.

Show comments