Chiefs sinibak ang Knights

MANILA, Philippines — Isinama ng sibak nang Arellano University ang Colegio de San Juan de Letran sa bakasyon matapos itakas ang 67-65 panalo sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Bumalikwas ang Chiefs mula sa isang 14-point deficit para isara ang kampanya sa 7-10 record sa ilalim ng 8-10 baraha ng Knights na nag­lista ng malamyang 2-16 marka sa Season 99.

Kumamada si Lorenz Capulong ng all-around game na 13 points, 12 rebounds, 4 assists, 2 steals at 1 block para banderahan ang Arellano.

“For the last eight years, may drought kami sa Final Four, pero ‘yung winning naman is n­aaangat namin,” sabi ni coach Chico Mana­bat sa kanyang tropa na nakabangon mula sa 28-42 pagkakabaon sa third period.

Tuluyan na nilang naagaw ang bentahe sa 63-56 bago nagsalpak si Kobe Monje ng dalawang free throws para sa 65-64 abante ng Letran sa dulo ng fourth quarter.

Ang putback ni Basti Valencia ang nagbigay sa Chiefs ng 66-65 kalama­ngan sa nalalabing 18.7 segundo kasunod ang free throw ni Capulong para sa kanilang two-point lead.

Bigo si Nat Montecillo na maipasok ang kanyang three-point attempt sa hu­ling posesyon ng Knights.

Samantala, tinalo ng College of St. Benilde ang nagdedepensang San Beda University, 70-62, para muling solohin ang top spot.

Itinaas ng Blazers ang kanilang 14-3 record at inihulog ang Red Lions sa 10-7.

Show comments