NU babangon sa unang kabiguan sa SSL

MANILA, Philippines — Nais ng defending champion National University na bumangon mula sa pagkakadapa sa pag­harap sa College of St. Benilde sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship sa Rizal Memorial Co­liseum.

Sumadsad ang three-peat-seeking Lady Bulldogs sa unang laro nila sa Pool E laban sa La Salle La­dy Spikers, 30-32, 25-14, 22-25, 21-25, noong Linggo sa pagsagupa sa La­dy Blazers ngayong alas-5 ng hapon.

Nalasap ng NU ang unang talo sa SSL sapul noong 2022 sa kinadenang 28-game winning streak.

Galing din sa talo ang St. Benilde laban sa Uni­versity of the East, 19-25, 18-25, 23-25, sa event na katuwang ang Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea at Summit Water. 

Magtatapat naman sa unang laro sa alas-2 ng ha­pon ang UST at FEU.

 

Show comments