Cardinals sumosyo sa 2nd spot

MANILA, Philippines — Humakot si Yam Concepcion ng 19 points, 9 rebounds at 5 blocks para tulungan ang Mapua University sa 75-71 pagpapabagsak sa Jose Rizal University sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Bumangon ang Cardinals mula sa naunang kabiguan sa nagdedepensang San Beda para ilista ang 7-3 record katabla ang Red Lions sa second spot sa ilalim ng St. Benilde Blazers (7-2).

Laglag naman ang Heavy Bombers sa 3-7 marka kasama ang dalawang dikit na kamalasan.

Bukod kay Concepcion, bumida rin para sa Mapua si Clint Escamis na kumamada ng 13 points sa fourth quarter matapos ang dalawang marka sa first half.

Ang drive ni Escamis ang nagbigay sa kanila ng 73-69 abante sa Jose Rizal sa huling 42.9 segundo.

Muntik pang sugurin ni Heavy Bombers’ coach Louie Gonzales ang mga referees sa natitirang 3.4 segundo matapos ang mabigong makahugot ng offensive foul.

Ang free throw ni Concepcion ang sumelyo sa panalo ng Cardinals.

Sa unang laro, ku­molek­ta si Bismarck Lina ng career-high 20 points at 7 rebounds sa 79-65 pagresbak ng San Beda sa Arellano Chiefs.

Nag-ambag si Yukien Andrada ng 15 markers at may 14 points si Jomel Puno para sa four-game winning streak ng Red L­ions na inihulog ang Chiefs sa 3-7.

Show comments