EAC puntirya ang 4th win

MANILA, Philippines — Target ng Emilio Aguinaldo College ang ikalawang sunod na ratsada sa pagsagupa sa Jose Rizal University sa NCAA Season 100 men’s basketball tournament sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Lalabanan ng Generals ang Heavy Bombers nga­yong alas-2:30 ng hapon matapos ang upakan ng St. Benilde Blazers at Arellano Chiefs sa alas-12 ng tanghali.

Solo ng St. Benilde ang liderato tangan ang 6-1 record kasunod ang Mapua (6-2), Letran (5-3), nagdedepensang San Beda (4-3), Lyceum (4-4), Perpetual (4-4), EAC (3-4), Jose Rizal (2-5), Arellano (2-6) at San Sebastian (2-6).

Nagmula ang Generals sa dramatikong 90-88 pag­lusot sa Pirates kung saan ipinasok ni King Gurtiza ang dalawang krusyal na free throws sa huling 6.7 segundo.

 Samantala, hihigpitan ng Blazers ang pagkapit sa liderato sa pagsagupa sa Chiefs.

Nasa two-game winning run ang St. Benilde matapos mamantsahan ang 4-0 kartada, habang bigo ang Arellano sa Mapua, 71-77.

Show comments