MANILA, Philippines — Lalo pang magiging mainit at pisikal ang giyera ng Magnolia at Rain or Shine.
Ito ay matapos resbakan ng Hotshots ang Elasto Painters, 129-100, sa Game Four para itabla ang kanilang quarterfinals series sa PBA Season 49 Governors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquno Stadium sa Malate, Manila.
Nagpasabog si Paul Lee ng 25 points kasama ang tatlong 4-point shots para tulungan ang Magnolia sa pagbalikwas mula sa 106-111 overtime loss sa Game Three ata idikit sa 2-2 ang best-of-five duel nila ng Rain or Shine.
May 30 markers si import Jabari Bird.
Nakatakda ang Game Five sa Sabado.
Mula sa 28-28 tabla sa first period ay humataw ang Hotshots sa second quarter para kunin ang 62-44 halftime lead.
Tuluyan nang nalugmok ang Elasto Painters sa 89-117 sa hulng 5:19 minuto ng fourth period.
Samantala, sinuspinde ng PBA Commissioner’s Office sina referees Peter Balao at Joel Baldago dahil sa maling desisyon sa laro ng Converge at San Miguel sa Game Three.
Unang tinawagan si Alex Stockton ng FiberXers flagrant foul penalty two dahil sa pagsiko sa mukha ni Beermen guard Kris Rosales.
Ngunit ito ay ibinaba sa flagrant foul penalty one kaya hindi nasibak sa laro si Stockton.
Si Stockton ang kumana ng game-winning shot sa 114-112 panalo ng Converge sa San Miguel.