Ang klase ng matchup sa pagitan ng Rain or Shine at Magnolia ang magpapanumbalik ng sigla sa liga.
Akala mo college basketball na walang kapaguran sa takbuhan, puno ng ratratan at may malaking sahog na pisikalan.
Hindi lang matinding aksyon sa loob ng court, pero mayaman din sa drama sa sidelines.
Mas maganda sana kung sa best-of-seven series nagkatapat ang dalawang koponan na ito.
Pero sulit na rin sa unang tatlong salpukan pa lamang nila, lalo na sa Game Three na kinailangan ng extra five minutes para ma-settle ang laban.
Nakalusot ang Rain or Shine, 111-106, kaya’t sila ang may tsansang selyuhan ang serye sa Game Four ngayong gabi sa Ninoy Aquino Stadium.
Pero siguradong determinadong lalaban ang mga Hotshots sa mithiing madala ang laban sa deciding Game Five.
Tingin ko, TNT Tropang Giga ang mananalo sa kabilang serye kontra NLEX Road Warriors.
At kahit na TNT-ROS or TNT-Magnolia, malamang na mataas na kalibre at magandang laban din ang mapapanood ng mga tao.
Sa kabilang bracket, masyadong lamang ang San Miguel Beer sa mga kalaban.