Tigers pinana ng Archers

Tumira si Michael Phillips ng La Salle sa harapan ng UST defender.

MANILA, Philippines — Pinana ng defending champions De La Salle University ang two-game winning streak matapos nilang pabagsakin ang University of Santo Tomas, 88-67, sa Season 87 ng UAAP men’s basketball na nilaro saAraneta Coliseum kagabi.

Kinapitan ng Green Archers sa opensa at depensa si Michael Phillips upang dominahin nila ang Growling Tigers na may 15 sunod na panalo na sila simula noong Season 79.

Nahirang na Best Pla­yer of the Game si Phillips matapos irehistro ang 12 points at 18 rebounds para sa Taft-based squad na inilista ang 5-1 karta at solohin ang second spot sa team standings.

Papasok ng payoff period tangan ang siyam na puntos na bentahe, mabilis na hinarurot ng Green Archers ang 8-0 run para lumobo ang kanilang lamang sa 17, 69-52 may 7:17 minuto pa sa orasan.

Lalo pang nag-init ang opensa ng Green Archers ng umiskor sina Vhoris Marasigan at Alex Konov at isang layup mula kay CJ Austria ang nagbigay ng 24-point lead, 88-64 at ibaon ng todo ang UST.

Nakapagtala si reig­ning MVP Kevin Quiambao ng 10 points, anim na boards at apat na assists para sa Green Archers.

Nalasap ng España-based team ang pa­nga­lawang talo sa limang laro, kasalo nila sa No. 3 spot ang University of the East Red Warriors habang solo sa tuktok ang UP Fighting Maroons na may 5-0 card.

Show comments