^

PM Sports

Bulldogs sasakmal ng panalo sa Falcons

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pakay ng National University na kalsuhan ang two-game skid nila pagharap sa Adamson University sa UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na lalaruin sa Araneta Coliseum nga­yong araw.

Magsisimula ang laban ng NU at Adamson sa alas-6:30 ng gabi pagkatapos ng bakbakan sa pagitan ng defending champion De La Salle University at Far Eastern University sa alas-4:30 ng hapon.

Huhugot ng lakas ang Bulldogs kina Steve Nash Enriquez, Jake Figueroa at Donn Lim upang masungkit ang panalo at makalimutan ang masaklap na pagkatalo nila sa University of Sto. Tomas Growling Tigers, 64-67 sa kanilang huling laban.

May tsansa sanang manalo noon ang NU matapos makalamang ng pitong puntos at nagtabla sa 64-all may 1:32 minuto na lang sa orasan pero hindi pumabor sa kanila ang bola.

“Sa dulo, parang hindi namin na-execute ang game plan namin,” ani Lim, “Na-blangko kami pero ganun talaga.”

Kaya naman nasa kukote nila ang makabawi upang mapaganda ang kanilang baraha.

“Siyempre gusto na­ming bumawi kasi yung game na ito, lamang kami at nasa amin yung momentum,” ani Lim.

Tangan ng Bulldogs ang 1-3 record habang 2-2 ang karta ng Soaring Falcons.

Samantala, mananatiling si reigning MVP Kevin Quiambao ang kakapitan ng Taft-based squad sa opensa kontra Tamaraws.

Nadungisan ang malinis na karta ng Green Archers nang silatin sila ng University of the East Red Warriors, 71-75 noong Linggo.

Tumikada si Quiambao ng 17 points, nine rebounds at five assists pero hindi sapat upang itaguyod sa panalo ang La Salle.

Tangan ang 3-1 karta, hindi lang si Quiambao ang huhugutan ng lakas ng Green Archers pati rin sila Michael Phillips at Vhoris Marasigan.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with