Archers pinana ang Falcons

Dumakdak si Henry Agunanne ng La Salle laban sa Adamson University sa UAAP.
UAAP photo

MANILA, Philippines — Walang awang dinurog ng defending champions De La Salle University ang A­damson University, 82-52 sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum kagabi.

Maagang ipinakita ng Taft-based squad ang kanilang lakas matapos nilang dominahin agad ang unang dalawang periods, nang itarak ang 17-point lead, 44-27 sa halftime.

Lalong umalagwa ang lamang ng Green Archers sa second half, nilipad nila ang 17-7 bentahe sa final canto upang tapusin ang laro ng may 30 puntos ang lamang.

Si reigning Most Va­luable Player Kevin Quiambao ang umarangkada sa puntusan para sa La Salle matapos irehistro ang 21 points, limang rebounds, apat na assists, dalawang steals at isang block.

Nanatili sa tuktok ng team standings ang La Salle tangan ang 2-0 karta.

Matapos ang pahirapang panalo sa kanilang unang laro kontra National University Lady Bulldogs, naging madali naman ang naging laro ng Green Archers sa Adamson.

Nalasap ng Soaring Falcons ang unang talo sa dalawang laro.

Show comments